Thursday, January 15, 2004

Sobra lungkot ko sa libing ng Pare ko, madalas pinipigalan ko umiyak pero panay tulo pa rin ng luha ko tuwing maaalala ko siya. Ngayon ko lang narealized how much I loved my pareng carlo and mareng Marie, kapatid pala ang nararamdaman ko sa kanila dito sa puso ko. For almost 15 years sila ang kasama ko, 5 days a week, 8 hours a day, lalo na ng umuuwi pa sila sa Malabon, madalas kasabay ko pa sila pagpasok at pag-uwi, nakikisakay kasi ako sa kanila, di nila ako pinagdamutan. Alam ko kung ganoon kabilis kumilos si Carlo sa umaga at kung anong bagal naman ni Marie. Nakita ko rin kung gaano katahimik ang Pareng Carlo ko kahit inaaway siya ni Marie o kinukulit siya ni Marie. Pero pagmay kalokohan si Pareng Carlo na nalaman ko sumbong kaagad ako kay Marie, syempre, buddy buddy ko yoon. Kaya tuloy si Pareng Carlo ayaw ipapaalam sa akin ang gimik niya dahil idadaldal ko kay Marie. Pero naiintindihan ko rin naman si Pareng Carlo, gustong gusto lang naman niyang maging happy ang mga kaibigan niyang puro manyak (hehehe). Alam ko naman na mahal na mahal ni Pare ko si Marie, naaalala ko pa na tuwing Valentines day may cake na binibili si Pare ko kay Marie, at pagbirthday nito tiyak mamahalin ang regalo. Mabait talaga ang pare ko, pagbirthday ko lagi din niya ako tinitreat, nila-lunch niya kami ni Marie, at pagpasko, binibigyan pa ako ng extra bonus. At pag may commission siya, lagi kaming may libreng lunch o merienda. Di lang siya galante sa cliente maging sa amin mga kaibigan niya. He's the person na kahit ang dami ng pera, di nakakalimot sa mga kaibigan niya, siya ang taong di lang pera ang importante, he's more concern on what will make his friend happy. Mamimiss ko rin yoong pinapagalitan ko siya dahil laging nagmamadali sa kailangan niya, kahit sinisermonan ko siya, nakangiti pa rin siya, at magsosorry pa yoon. Wala na rin akong kalaro ng pusoy dos. Na saksakan na kulit na kumpare pagnalalasing. Pero salamat di sa kumpare ko at tinuro niya yoong luto ng hipon na gustong-gusto ko. Mamimiss ko rin ang luto mo.

Pareng Carlo, I know you are with our Saviour right now, I know there's no more pain and no worries in the world where you are now. We'll take care of Marie, Rap2, Carin and Carl, many of us will love them almost the way you did. Just be happy where you are.....we love you....

Alway,
Lynne

No comments: