in memory of carlo sebastian
in loving tribute to a husband, a father, a brother and a good friend
Monday, March 22, 2004
Sunday, February 29, 2004
sana naman ay nasa mabuti kang kalagayan.
eto nga pala yung kuha ko doon sa huling inuman natin.
narito sina ting, uly, dindo at teody.
ang saya natin nung araw na ito, di ba?
click mo lang pare yung picture mo at
makikita mo yung iba nating mga kuha.
sige pare, ingat na lang diyan
kung nasaan ka man.
Thursday, January 15, 2004
Sobra lungkot ko sa libing ng Pare ko, madalas pinipigalan ko umiyak pero panay tulo pa rin ng luha ko tuwing maaalala ko siya. Ngayon ko lang narealized how much I loved my pareng carlo and mareng Marie, kapatid pala ang nararamdaman ko sa kanila dito sa puso ko. For almost 15 years sila ang kasama ko, 5 days a week, 8 hours a day, lalo na ng umuuwi pa sila sa Malabon, madalas kasabay ko pa sila pagpasok at pag-uwi, nakikisakay kasi ako sa kanila, di nila ako pinagdamutan. Alam ko kung ganoon kabilis kumilos si Carlo sa umaga at kung anong bagal naman ni Marie. Nakita ko rin kung gaano katahimik ang Pareng Carlo ko kahit inaaway siya ni Marie o kinukulit siya ni Marie. Pero pagmay kalokohan si Pareng Carlo na nalaman ko sumbong kaagad ako kay Marie, syempre, buddy buddy ko yoon. Kaya tuloy si Pareng Carlo ayaw ipapaalam sa akin ang gimik niya dahil idadaldal ko kay Marie. Pero naiintindihan ko rin naman si Pareng Carlo, gustong gusto lang naman niyang maging happy ang mga kaibigan niyang puro manyak (hehehe). Alam ko naman na mahal na mahal ni Pare ko si Marie, naaalala ko pa na tuwing Valentines day may cake na binibili si Pare ko kay Marie, at pagbirthday nito tiyak mamahalin ang regalo. Mabait talaga ang pare ko, pagbirthday ko lagi din niya ako tinitreat, nila-lunch niya kami ni Marie, at pagpasko, binibigyan pa ako ng extra bonus. At pag may commission siya, lagi kaming may libreng lunch o merienda. Di lang siya galante sa cliente maging sa amin mga kaibigan niya. He's the person na kahit ang dami ng pera, di nakakalimot sa mga kaibigan niya, siya ang taong di lang pera ang importante, he's more concern on what will make his friend happy. Mamimiss ko rin yoong pinapagalitan ko siya dahil laging nagmamadali sa kailangan niya, kahit sinisermonan ko siya, nakangiti pa rin siya, at magsosorry pa yoon. Wala na rin akong kalaro ng pusoy dos. Na saksakan na kulit na kumpare pagnalalasing. Pero salamat di sa kumpare ko at tinuro niya yoong luto ng hipon na gustong-gusto ko. Mamimiss ko rin ang luto mo.
Pareng Carlo, I know you are with our Saviour right now, I know there's no more pain and no worries in the world where you are now. We'll take care of Marie, Rap2, Carin and Carl, many of us will love them almost the way you did. Just be happy where you are.....we love you....
Alway,
Lynne

My dear tito carlo…he is with his Creator already…surrendered all his pain and sufferings to Him…Up to his last minute on earth, he didn’t want his family and the people around him to suffer…he is not perfect but he is a great person.
My tito carlo…secretly touching the lives of everyone. Ask anybody and you’ll hear good things about him. Now, he is with Him already, I will surely miss his company not just here in the office but in all occasions I’ll be having…I will miss him calling my name and just sitting in front of me sharing his thoughts…I will definitely miss the sight of his blue polo (one of his favorites) on my way to my cubicle…I will miss his smile and his laughter when he’s teasing tita marie.
Tito Carlo is one heck of a person…he loves my tita Marie so much…even if he has to go to Cavite or Laguna for client visits, he make sure that he brings his wife first to the office…even if he is already near home, he goes back to Pasig so as not to burden tita Marie of taking the public transpo. Tito Carlo is a “full-service” husband and father. He is a terrific cook as well. I definitely love his T-Bone steak. His kids would definitely miss his “magic” in the kitchen.
Don’t worry tito Carlo…you will never be forgotten…your legacy would continue…as you will always have a special place in everyone’s heart….I will be here as always…from Rap-rap to Carl…as I’ve always loved your family and I will continue treating Rap-rap, Carin and Carl as my own siblings.
Typical of you…how you want people to remember you…you were smiling! As usual, you don’t want us to know the pain you went through…up to your last breath, you still considered the people around you.
Goodbye, my tito Carlo! Thank you for the memories and thank you for giving my tita marie so much happiness and love…thank you for the love and care you gave to my cousins and rest assured that this will be continued!
Forever in our hearts,
Dhia

Wednesday, January 14, 2004
Ayoko na sanang maalala pero eto at namumugto na rin ang mga mata ko. Kapag nakikita ko ang picture nya, napapapikit ako at naiisip na buhay pa siya. Kahit papano, marami na rin kaming pinagsamahan ni pareng Carlo, inaanak ko pa ang bunso niyang si Carl. Bago siya naoperahan, nakausap ko pa siya sa mobile phone ni mareng Marie at iinom nga daw kami pag magaling na siya. Di na kailan man mangyayari yun. Dinalaw ko siya nung naoperahan na, dala ko pa anak ko at asawa pero di ko na sila pinapasok for health reasons, ako na lang. Di kami nakapag-usap dahil nasa ICU siya at that time. Si Marie na lang ang kinausap ko (na nasa chapel noon). Malaki ang ipinayat ni Marie nung makita ko. Niyapos ako at gustong umiyak pero inalo ko siya (pero parang gusto ko na ring bumigay). Napag-usapan namin ang tungkol sa sakit ni Carlo na siya na lang ang di nakakaalam. Di naman natin masisisi ang iba para na rin sa kapakanan niya, dahil mahina ang puso niya. Umalis ako na di man lang siya nakita. Hanggang sa nabalitaan ko kay Nel na WALA na nga siya. Dumalaw ako sa burol last Sunday. Nakita ko ang mukha niya, nakangiti. Para bang wala siyang naramdamang sakit.
Nung huling chapter ko sa ICI, madalas kaming magkasama ni pareng Carlo. Lahat ng nakukuha niyang projects na may kinalaman sa installation and programming, ako ang umaayos. Minsan, dinalaw niya ako sa planta, sa URC Cavite. Pagkatapos ng trabaho ko, isinama niya ako (at isang ICI technician) sa Chinese resto na malapit lang din doon. Inorder niya ang lahat ng pagkain na alam niyang masarap. Hindi siya matipid. Nabundat ako sa busog. Minsan, nag-aagawan pa kami sa tirang malalaking buto para sa pagkain ng aso niya at ng aso ni Jay na si Datu. Nagtatawanan kami dahil para kaming mga bata na nag-aagawan. Madalas sasakyan niya ang gamit namin kung bibisita kami sa mga clients. Siya ang driver, ako yung natutulog. Minsan, pinipilit ko ring di makatulog dahil wala siyang makausap. Ni minsan ay di niya ako pinag-drive. Ang katuwiran niya, mahirap iniisip ang trabaho tsaka pagmamaneho. Hindi ka niya pababayaan. Kahit hindi ka niya ka-departamento, mas masahol pa sa ka-opisina ang turing sa yo. Ito ang isang bagay na di ko malilimutan sa kanya.
Minsan uli, pine-pressure nya ako sa isa sa mga projects nya. Siyempre, pareho kaming pressured, nagkairingan kami. Bandang huli, pumunta siya sa cubicle ko at bibiruin na ako. Magtatawanan na lang kami pagkatapos. Hindi siya mahirap makasama, wika nga. Wala siyang ere sa katawan. Plano naming gumawa ng maliit na business para may karagdagang kita para sa pamilya. Siya kasi yung may contact kaya sa kanya lang ako nagtatanong kung kelan kami puwede. Puhunan na lang ang kulang para masimulan at pareho kaming nag-iipon. Di na yun matutuloy.
Maraming mga samahang punung-puno ng kasiyahan, tawanan, harutan, inuman. Sayang nga lang at di nadagdagan noong mga huling yugto ko sa ICI dahil kailangan na raw magtipid. Pero lahat naman yun ay matamis na alaala na we can treasure within our hearts. Mga samahang kahit nagkahiwa-hiwalay na ay buhay pa rin sa ating diwa.
Bakit nga naman nauuna pa yung mga taong mabubuti kesa masasama? Hindi talaga natin sakop kung sino ang mauuna sa atin. Mangyayari ang lahat ng bagay in order for the MASTER PLAN to succeed. Kung anuman yun, malalaman lang siguro natin pag tayo ay namayapa na rin o kung lahat ng tao ay wala na sa mundo. It does not matter if you were good or bad when you were still alive. Meron din namang masasama na nauuna din kesa sa mabubuti.
Gusto ko lang magpasalamat, kahit man lang sa ganitong paraan, sa lahat na naitulong sa akin ng kumpare ko, malaki man o maliit. Sana, may computers din sa langit para mabasa niya itong isinusulat ko.
May you rest in peace pareng Carlo,
-Ting

Tuesday, January 13, 2004
"...isa sa naaalala ko nung sama-sama pa tayo sa ICI., ay pag si Boss Carlo ang in-charge na sales executive sa project (example: Nestle Alabang "HTST Project") ....eksakto sinabi mo Boss Jay, di ka niya papabayaan sa asikaso."
Ngayong nandyan ka na at mas malapit na sa Kanya, ipagdasal mo rin kaming mga naiwan dito. Hanggang sa muling pagkikita Boss Carlo!
--Ernani R. Javier

Paalam My Dearest Kumpareng Carlo.
Hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin sa akin ang nangyari sa aking mahal na kumpare. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya, na hindi na kami magkikita pang muli dito sa lupa at hindi na mauulit ang mga masasayang araw na aming pinagsamahan. Simula nang mabalitaan ko na malubha ang kanyang kalagayan, wala na akong ginawa kung hindi ang magdasal para sa kanyang ikagagaling.
Napakabuti niyang kaibigan. Sariwang-sariwa pa sa aking alaala at hinding-hindi ko makakalimutan ang aming pinagsamahan simula noong pumasok ako sa ICI nung Nobyembre 1989. Sa loob ng 13 taon na ito, lubos kong nakilala kung gaano siya kabuting tao. Matulungin, maalalahanin, maasikaso, lahat na ata ay nasa kanya na. Magkasama kami sa Sales Department noon. Lalo kaming naging close sa isa’t-isa nung naging magkumpare kami sa anak nila ni Marie na si Karin. Sa Malabon pa sila nakatira noon. Kapag may okasyon, isa ako sa hindi niya nakakalimutan.
Nagtutulungan kami sa pag-aasikaso ng aming mga cliente. Napakagaling niyang makisama, siya ang taong napakagaan ng loob at napakadaling pakisamahan. Magkasama pa kami noon sa America na dumalo sa isang seminar. Pareho pa kaming na-homesick noon at napaaga ang aming pag-uwi. Parang kailan lang yon. Kung sino ang may malaking commission sa amin siguradong may blow-out. Napakasarap ng mga sandaling iyon.
Noong despedida nga ni Pareng Jay, nandoon kami nina Pareng Carlo kasama ang pamilya. Masayang nagsalo-salo. At pagkatapos doon ay sa sama-sama kaming natulog sa bahay ng kapatid ko sa Maia Alta, Antipolo. Para kaming isang "happy family". At kinabukasan pa noon ay nag blow-out pa siya sa bahay kawayan restaurant sa may Taytay, Rizal. Napakagalante ni Pareng Carlo.
Sa tuwing kaarawan niya, siguradong bongga ang kanyang handa at siguradong ako ay iimbitahin. Noong nakaraang taon nga na ika-40 taon birthday niya, bagama't malayo sa aming lugar ay pinilit kong makadalo at isinama ko pa ang isa niyang matalik na kaibigan na kaklase pa niya noong college. Dumalo din ang iba pa niyang kaklase. Ay totoo nga na napakasaya ni Pareng Carlo noon. Parang naging reunion na rin nilang magkakaklase ang araw na yaon. Sa tuwing birhtday ko rin, madaling araw pa ay binabati na ako.
Dumating ang panahon na kami ay pupunta na ng Canada, parang ang hirap lumayo sa isang tunay na kaibigan. Pinabaunan pa niya ako ng pantalon, polo shirt at jackie briefs. Papunta na lang kami sa airport, siya pa rin ay ka-text ko. Plano nga namin na sa aming pagbalik sa Pilipinas ay sa kanya kami magpapasundo. Paano na ngayon, di na mangyayari. Nandito na kami sa Canada ay siya pa rin ang naasahan ko sa mga kinailangan kong document bago siya naospital. Tunay na kaibigan ka talaga Dre.
Ilang beses akong tumawag sa ospital para marinig man lang ang kanyang boses, subali't di ako pinalad dahil hindi pa pala siya puedeng magsalita. Si Mareng Marie ang aking kausap at ramdam ko sa kanya kung gaano kahirap ang kanyang kalagayan kahit di ko siya nakikita. At nung araw na ibalita sa akin na wala na siya, parang tubig na bumuhos ang aking luha sapagkat di na pala kami muling magkikita ng aking napakabait na kumpare. Napakabata pa niya.
Sa kanyang paglisan, dalangin ko sa Poong Maykapal, na huwag pabayaan ang kanyang iniwang mga mahal sa buhay, ang kanyang asawang si Marie na napakalambing, at ang kanilang tatlong anak na sina Rap-rap, Karin at Carl.
Dre, kung saan ka man naroon ngayon, alam ko maligaya ka dahil marami kaming pinaligaya mo. Alam ko na magkikita din tayo pagdating ng panahon.
Paalam pare ko.... paalam....
Pareng Dindo

Subscribe to:
Posts (Atom)