Sunday, February 29, 2004

MY LAST PICTURES OF CARLO


kamusta ka na pareng carlo?
sana naman ay nasa mabuti kang kalagayan.
eto nga pala yung kuha ko doon sa huling inuman natin.
narito sina ting, uly, dindo at teody.
ang saya natin nung araw na ito, di ba?
click mo lang pare yung picture mo at
makikita mo yung iba nating mga kuha.
sige pare, ingat na lang diyan
kung nasaan ka man.


CLICK HERE FOR MORE PICTURES: these are the last pictures i have of carlo. miss ko talaga ang kaibigan ko.

Saturday, February 07, 2004

A Message from Carl…………
(He wrote this in a piece of paper)

I Love You Daddy and Mommy, Kuya and Ate………..

God, please take care of my Dad……….

Friday, February 06, 2004

Feb.7 last year, Carlo turned 40.

Life begins at 40 and so I was made to believe.

On a sunday lunchtime, all roads led to Carlo's humble abode. It was a joint celebration of Carlo's birthday and Micah's christening (Chona's firstborn). Food was catered, everyone feasted. There was a face cake of carlo that instantly became the centerpiece. It was amiss coz it didn't resemble him perfectly. Carlo was busy as expected though he flaunted his way to each and every guest. Suffice to say that Carlo was truly loved and cared for by his family, relatives and friends. The atmosphere was indeed encapsulated by Carlo's happy spirit. Who could have known then that it would be his last show.

Sadly, he didn't make it to his 41st and so on... nevertheless, I know he is amongst us whispering thru the winds to let us know he is in good hands. In a place far more better than where we are presently.
Still, I greet you happy birthday Carlo for this day will always be special and remembered. And as long as we live, we will always celebrate this day in a way you would want us to.......

United and Happy (",)
Vhaya

Tuesday, February 03, 2004

FOREVER IN MY HEART……

REMEMBERING CARLO…….

Sa edad na 18 yrs. old ay di pa ako nakakaranas magkaboyfriend, but I have already falling in love sa isang neighbor namin. I have a crush on him, kaya lang di nya naman ako nililigawan. Maraming nanliligaw sa akin pero puro di ko type. So, when the right time comes, he courted me and kami na. But our relationship lasts for two weeks lang, kasi di na siya ulit nagpakita pa after I answered him. So I send him a letter stating na break na kami. Then, several months later, while healing my broken heart, may nanligaw ulit sa akin, so because of my excitement na magkaboyfriend ulit, I answered him at nagtagal lang ang relationship namin for six months. The whole world kasi is against him na maging boyfriend ko dahil he is so old na daw para sa akin and everybody is saying na he is just fooling me. My brother and my friends talk to the guy na layuan ako, and the guy left me for no apparent reason. Napakasakit kuya Eddie, everyday, everynight akong umiiyak as if it’s the end of the world na for me. kasi walang magseryoso sa akin. I ask myself why, maganda naman ako, sexy naman- never been touch. never been kiss, so ang swerte ng magiging boyfriend ko if ever.

When I was in college, half day lang ang klase ko, kaya pag afternoon na ay nagpupunta na ako sa house ng Ate Emma at Kuya Bong ko. Si Dhia ang number one barkada ko. Kaming dalawa ang laging magkasama at magkalaro. Very childish kasi ako kaya wala akong ibang naging libangan kundi ang bisitahin ang mga pamangkin ko (Dhia, Chi-Chi and Marlon). Nanonood kami araw araw ng teleseryeng “YAGIT”.

One day, isang araw, dumating sa bahay ng ate ko ang isang guapitong lalaki, na balbas sarado, kulot ang buhok at ang macho. Wow! Kilig to the bones ako. Kapatid siya ni Nel at pinsan ni kuya Bong. I have learned na doon yata siya titira dahil si Nel ang mag-papaaral sa kanya upang makatapos ng college. During that time kasi, nakatira din si Nel sa bahay ng ate ko. Siyempre, nagpapacute ako at nagpapacharming kaya ang pobreng lalaki ay nainlove din sa akin. Wow, niligawan ako at dahil kilig to the bones naman ako ay sinagot ko siya without knowing na may girlfriend pala siya as of that time. Talaga nga naman ang mga lalaki oh, bolero na, two timer pa. We kept our relationship for several months dahil takot akong malaman ng ate Emma ko. The only person na nakakaalam ng relationship namin ay si Iking Aquino. Siya ang kunsintidor naming “NINONG” ni Carlo sa mga gimik namin.

Pero siyempre, walang lihim na di nabubunyag, kaya di nagtagal ay nalantad din ang aming relasyon at nakarating sa kaalaman ng father ko at ate Emma ko. My God, conservative ang family ko, parang ayaw yata nilang magkaboyfriend ako. Nang malaman ni Ate Emma, she immediately went to our house at binigyan ako ng mag-asawang sampal, sermon at mahabang iyakan. Di ko na alam ang nangyayari at litong lito na ako kung bakit ayaw nila sa relasyon namin ni Carlo. Ate Emma is against him because she knew na may girlfriend pala si Carlo na isang nurse during that courtship. She really wanted me to stop from falling in love with Carlo. And I agree with her when I discovered nga na totoo ngang lahat ang sinabi niya.

I decided to quit our relationship, kaya lang, Carlo really tried a lot and proved to me na he really loves me. He even show me the letter na pinadala sa kanya ng girlfriend nyang nurse na nagpapatunay na siya na mismo ang nagtatapos ng relation nila. I even read the letter and found out nga na nagtatanong yung girl kung bakit biglang ayaw na sa kanya ni Carlo, siguro daw ay may kapalit na siya sa puso ni Carlo. Exactly, pero sorry, di ko siya inagaw sa iyo, siya ang lumapit sa akin at pinaniwala ako na ako lang ang mahal niya. With that situations, I am very proud and indeed very happy because he show me his sincerity and truly loves me. Kaya nga “TRULY” ang pinili nyang theme song namin. My love for him did not end there kahit na nagkaroon na ako ng insecurities sa lady nurse na yon. One day, nakakuha ako sa folder nya ng letter again from that girl, stating the following:

‘ nasa US na siya at nakapasa sa CGNFS, uuwi na daw sa Pinas and advising Carlo na pakakasalan siya and she will file a petition para dalhin din si Carlo sa Amerika”.

When I read that letter, sobrang sakit ng dibdib ko and I can’t imagine na mangyayari sa akin na mawala ang one and only love ko.
O’h God, ang sakit sakit! But because of “UNDYING AND UNCONDITIONAL LOVE” given to me by Carlo. AKO ang pinili niya in favor of Amerika. Parang Romeo and Juliet ang dating ng love story namin, ewan ko ba kung bakit tinamaan siya ng husto sa akin. Sexy daw kasi ako at maganda, kaya gigil na gigil daw siya sa akin.”I cannot resist you”, yan ang lagi nyang sinasambit sa akin.

Several years later, everybody especially ate Emma accepted our young love because napatunayan nya na busilak ang puso ni Carlo at tapat ang pagmamahal na ibinigay sa akin.

We got married last January 4, 1986. Simple lang ang wedding namin at kaming dalawa ang nag-ipon at gumastos ng lahat. We lived a simple life. God gave us a HAPPY FAMILY, Magka-officemate kami until the end of time. We have three kids, our eldest is Ralph Harold, 17 yrs. old now, a first year college student at De La Salle University, Dasmarinas, Cavite, taking up ECE. Our second child and only girl is Carin Anne who is now 13 yrs. old, a sophomore student at Vel Maris School in Cavite. Our youngest is Carlomagno II, a preparatory student at St. Paul College Island Park in Cavite.

“Pa, paano na kami ngayon? Now that you’re gone.The CAPTAIN OF MY LIFE. We really really miss you. All the beautiful memories we have shared together. All the joys and laughter, you gave us. Namimiss ka ng mga anak natin. But I cannot help them but cry. Alam ko na you are not a perfect husband, but to me, you are a GOOD PERSON, a loving father, a good friend and a good provider. Damang dama ko kung gaano mo ako kamahal mula sa paggising hanggang pagtulog. But yes,sometimes, nag-aaway tayo, pero it is part of our married life lang naman di ba. A lot of people are making inggit with me because for them, I am very very LUCKY to have YOU as my husband. Walang oras, walang okasyon o kasayahan na di tayo magkakasama ng mga bata. We really really cherished those happy days that we were together, trip to Boracay, Bicol, Cebu, Aklan, Leyte at halos lahat ng lugar ay kaya nating puntahan, umulan man o umaraw dahil ganoon mo kami pinahahalagahan.

Ang lahat ng mga pangarap natin ay unti-unting natupad. Mga malulusog at mababait na anak. Nagsisipag-aral sa maayos na eskwelahan, May sariling sasakyan, maayos na tirahan. Nabibili natin ang lahat ng gusto natin, Nakakarating tayo sa lahat ng gusto nating puntahan dahil lahat ng oras at araw mo ay talagang inilalaan mo para sa amin ng mga anak mo. Binusog mo kami ng masasarap na luto mo. Pareho tayong may maayos na hanapbuhay. Dugo at pawis ang inialay mo sa iyong hanapbuhay dahil sa kagustuhan mong itaguyod ang pamilya mo. Pinangarap kong makarating ng Hong Kong at ito ay natupad naman. Pinangarap mong makapunta ng Amerika, at ito ay natupad din naman. At ang huling pangarap mo ay ang makapunta ako ng Amerika. Ipinagpalit mo ang Amerika dahil sa akin. Pagkatapos, ipinagpalit mo ang buhay mo dahil sa akin pa rin. Pinapunta mo ako ng Amerika dahil sa kagustuhan mong matupad ang pangarap ko, but I know that you are already in pain. Kaya lang, sa sobrang pagmamahal mo sa akin, lahat ISASACRIFICE MO. I AM SORRY PA, I AM VERY SORRY. Patawarin mo ako Pa, kung hindi ko masyadong natugunan ang mga pangangailangan mo habang nasa ospital ka. Hindi ko kayang makita ka sa ganoong kalagayan. Parang sasabog ang dibdib ko habang nakikita kitang naghihirap. Hirap na hirap ang kalooban ko habang pilit kong nilalabanan ang sakit na darating ang oras na kukunin ka na sa akin ng Panginoon. Walang kasing hirap ang dinaranas ko habang iniisip ko na mawawala ka na sa akin. IKAW, na nagbigay sa akin ng tunay na pagmamahal. “Bulshit” , patawarin ako ng Diyos, Bakit ako pa? Iyan ang araw araw kong tinatanong sa sarili ko na kailanman ay di mabibigyan ng kasagutan. Di kita magawang hawakan o lapitan dahil di ko kaya. I am weak. Salamat at napakaraming kamag-anak at kaibigan ang sa akin ay sumoporta at dumamay. O’h Lord, give me strength. Pero, may INNER STRENGTH din pala ako dahil habang papalapit na ang araw na hinihintay ko, naihanda ko ang sarili ko. Mahal pala talaga ako ng Diyos. PAALAM PA, PAALAM MAHAL KO.

God knows how much I LOVE YOU. Nobody can ever take your place in my heart. I know that God has a special plan for me and to our children. Please guide us and lead us according to GOD’S WILL. My life will change and someday I will find a new world, a better place, a new endeavor, but you will stay FOREVER IN MY HEART.

I LOVE YOU PA.THANK YOU FOR THE LOVE YOU GAVE ME……

“O’h Lord, I truly believe in YOU, but during this difficult time, Lord,plug me up and work your miracle. Fill me with what I lack, this is my best, I AM WEAK, GIVE ME STRENGTH THROUGH THIS DIFFICULT DAYS AHEAD. BE WITH ME WHENEVER I AM AFRAID, TROUBLED OR HURT. I THANK THEE WITH ALL MY HEART”.


MARIE
020104


HEAVEN KNOWS

He is always on my mind, from the time I wake up, till I close my eyes,
He is everywhere I go, he’s all I know,
Though he’s so far away, it just keeps stronger everyday,
And even now he’s gone, I’m still holding on,
So tell me where do I start, coz it’s breaking my heart,
Don’t wanna let him go…………...
Maybe my love will come back someday, only heaven knows,
Maybe our hearts will find a way, only heaven knows,
And all I can do is hope n pray, coz heaven knows.